Thursday, June 23, 2005

Saklolo

Kahit ilang ulit ko mang subukan, maraming teknik na rin akong napurbahan. Pero wala ring malaking pagbabago. Para akong duyan na umuugoy pero di umaalis sa kinakatayuan. Papayat, tataba, paulit ulit.

Ano ba kaya ang mabisang paraan ng pagpapanatili ng tamang timbang? Sinubukan ko ang mag-gym, mag-extra virgin olive oil sa diet, uminom din ako ng virgin coconut oil, nag-vegetable diet din ako. Pero bababa lang ng isang kilo ang timbang ko tapos ay babalik din sa dati makalipas ang isa o dalawang linggo. Kapag nakakalimot ako ay lumolobo na naman ako.

Nung isang taon, bumili ako ng exercise cd ni Jane Fonda (kasi yun ang mura) tapos mga ilang linggo rin akong nag-step aerobics. Nung summer naman nag-jog ako sa circle ilang beses isang linggo. Nabawasan naman ng isang kilo ang timbang ko. Kaya lang ngayon tag-ulan na naman e di hindi na ako makapagjogging. Tapos masarap kumain. Lalo na kung ginataang gulay, adobong baboy, pritong isda, lahat masarap kainin. Paano na ako papayat nito?

Nung isang linggo ang timbang ko ay 55.4 kg. Pero sampung araw bago iyon, ang timbang ko ay 54.8. Ano ba yun? Ayoko nga ngayon magtimbang dahil malamang ay tumaas na naman. Hayy. Balik na naman ako sa umpisa ng pagdidisiplina sa pagkontrol ng aking timbang.:(( Sana naman hindi na ako umabot ng 56kg. Mahirap magbawas ng timbang pero mabilis lang magdagdag.

Paano ko na kaya puputulin ang bisyong ito? Kayanin ko kayang salungatin ang paulitulit na pag-swing ng aking timbang? Sa physics, ang stopping force ay lumalaki habang lumalaki ang timbang at ang bilis ng paggalaw ng bagay. Ibig sabihin mas mahirap pigilin ang pagtaba habang lalong tumataba. Saklolo!!!!